Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa

Friday, August 14, 2020 - 15:42

 

Ang Pambansang Pangasiwaan ng Patubig (National Irrigation Administration) ay kaisa ng bayan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2020 na may temang “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika: Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya”.

Lubos na kinikilala ng Ahensya ang mga programa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang maipalaganap sa higit na nakararaming mamamayan ang kamalayan sa pagdiriwang at kahalagahan ng Wikang Filipino, gayundin ang mga hakbang ng pamahalaan upang maiwasan ang paglaganap ng pandemya sa bansa.

Ang pagdiriwang ay alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Bilang 1041, taong 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambasa tuwing Agosto 1-31.