DZBB One on One - Walang Personalan NIA Administrator Interview - July 29 2024

September 4, 2024, 3:18 PM

PANOORIN: Noong ika-29 ng Hulyo 2024, isinagawa ang isang panayam sa DZBB 594 Super Radyo sa programang "One on One: Walang Personalan" na pinangunahan nina Connie Sison at Orly Trinidad, kasama ang Administrador ng Pambansang Pangisawaan ng Patubig (NIA) na si Engr. Eduardo Eddie Guillen. Tinalakay nila ang mga update at aksyon ng NIA ukol sa mga hakbang laban sa pagbaha.

Binanggit ang mga hakbang ng NIA upang maiwasan ang pinsala mula sa bagyo at pagbaha, kabilang ang pagpapakawala ng tubig mula sa mga high dam.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., isa sa kanyang mga layunin ay ang pagpapatayo ng mga high dams upang magbigay ng suplay ng tubig para sa irigasyon at proteksyon laban sa pagbaha. Kabilang dito ang Bayabas Dam sa Central Luzon, na inaasahang magbibigay ng malaking tulong sa agrikultura at pag-iwas sa pagbaha sa rehiyon.

Ganoon din ang Jalaur River Multi-Purpose Project Stage II (JRMP II) sa Iloilo na nagbibigay ng probisyon hindi lamang sa irigasyon kundi pati na rin sa pagpapaunlad ng turismo environmental and watershed management, at iba pang mga layunin.

Isinaad din ni Engr. Guillen na bukas ang mga proyekto ng NIA para sa iba't ibang uri ng pakikipagtulungan o partnerships, tulad ng General Appropriations Act (GAA), Public-Private Partnership (PPP), at Official Development Assistance (ODA).

Umaasa ang NIA Administrator na madagdagan ang suporta, lalo na’t napakahalaga ng mga high dams. Hindi lamang ito nagbibigay ng proteksyon laban sa sakuna, kundi pati na rin sa irigasyon at serbisyo sa patubig. Higit sa lahat, ang mga ito ay mahalaga sa food security ng bansa, isang pangunahing layunin ng Bagong Pilipinas.

Video Courtesy: https://www.facebook.com/dzbb594/videos/1013169316717076

#BagongPilipinas

#NIAGearUp

#TuloyAngDaloyNIA

#bayaNIAn

#NIA