PANOORIN: Ngayong ika-15 ng Hulyo, malugod na ginanap ang panayam sa ika-85th na anibersaryo ng DZRH, sa programang Dos Por Dos kasama ang Pambansang Pangasiwaan ng Patubig (NIA) Administrator na si Engr. Eduardo Guillen. Sa makabuluhang panayam na ito, tinalakay ang mga pinakabagong update sa ahensya, kasama ang kanilang mga inisyatiba at proyekto na naglalayong maging self-sufficient ang bansa sa bigas.
Sa pagtugon sa layunin ng Bagong Pilipinas na maging rice-sufficient, ipinahayag ng NIA Administrator ang ilan sa mga programa at proyekto ng NIA, katulad ng pagbabago ng Cropping Calendar at ang Convergence Project na katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
“Yun po yung talagang crossroads ng Philippine agriculture tungo doon sa gusto ng ating Pangulo- na umunlad ang Bagong Pilipinas,” ani ni Engr. Guillen.
Bukod dito, tinalakay rin ang programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Build Better More (BBM), na layuning tugunan ang mga pangangailangan sa imprastruktura ng bansa. Kasama sa mga layunin nito ang pagtutulungan ng NIA at Department of Public Works and Highways (DPWH) para masolusyunan ang mga environmental at social issues. May mga proyektong irigasyon rin na magbibigay hindi lamang ng benepisyo sa mga magsasaka kundi magdadala rin ng economic benefit, na magreresulta sa mas mababang presyo ng bigas para sa mga mamimili at magiging sustainable sa agrikultura at ekonomiya ng bansa.
“Ang kanyang ‘Build Better More’ sa impatruktura ay di lamang isang slogan, ginagawa din po ito,” ani ni Engr. Guillen
At higit sa lahat, umaani na ba ang mga magsasaka ng programang Contract Farming? Ayon kay Engr. Guillen, sa buwan ng Agosto, makakapagbenta na ng ani mula sa Contract Farming. Ang Contract Farming ay isang paraan upang mapababa ang gastos sa produksyon ng bigas sa pamamagitan ng Economies of Scale.
Ganoon din ang layunin ng pagkakaroon ng inclusive growth sa pamamagitan ng pagsiguro ng market access para sa mga magsasaka at pag-organisa nila bilang mga kooperatiba sa bawat bayan.
Gayundin, mahalaga kay Pangulong Marcos na ang mga magsasaka ay makakuha ng whole value chain ng kanilang produksyon, upang hindi lamang sila limitado sa kita mula sa pagbebenta ng bigas.
“Tayo sa NIA, nagka-cluster, nagcontract farming– At marami din pwedeng tumulong sa atin, katulad ng iba pa nating mga katuwang ng ahensya,” saad ng NIA Administrator
Dagdag pa niya, kapag pinalawak pa ang Economic Scale of Production, talagang mapapababa ang presyo ng bigas, matutulungan ang mga bayaning magsasaka, at makikinabang ang ating mga konsyumer.
Video Courtesy: https://www.facebook.com/dzrhtv/videos/792240396353760
#BagongPilipinas
#NIAGearUp
#bayaNIAn
#TuloyAngDaloyNIA
#NIA