DZBB One on One - Walang Personalan NIA Administrator Interview - July 29 2024

Wednesday, September 4, 2024 - 15:18

PANOORIN: Noong ika-29 ng Hulyo 2024, isinagawa ang isang panayam sa DZBB 594 Super Radyo sa programang "One on One: Walang Personalan" na pinangunahan nina Connie Sison at Orly Trinidad, kasama ang Administrador ng Pambansang Pangisawaan ng Patubig (NIA) na si Engr. Eduardo Eddie Guillen. Tinalakay nila ang mga update at aksyon ng NIA ukol sa mga hakbang laban sa pagbaha.

Binanggit ang mga hakbang ng NIA upang maiwasan ang pinsala mula sa bagyo at pagbaha, kabilang ang pagpapakawala ng tubig mula sa mga high dam.

DZRH Dos por dos with NIA Administrator - July 15, 2024

Wednesday, September 4, 2024 - 14:59

PANOORIN: Ngayong ika-15 ng Hulyo, malugod na ginanap ang panayam sa ika-85th na anibersaryo ng DZRH, sa programang Dos Por Dos kasama ang Pambansang Pangasiwaan ng Patubig (NIA) Administrator na si Engr. Eduardo Guillen. Sa makabuluhang panayam na ito, tinalakay ang mga pinakabagong update sa ahensya, kasama ang kanilang mga inisyatiba at proyekto na naglalayong maging self-sufficient ang bansa sa bigas.

Sa pagtugon sa layunin ng Bagong Pilipinas na maging rice-sufficient, ipinahayag ng NIA Administrator ang ilan sa mga programa at proyekto ng NIA, katulad ng pagbabago ng Cropping Calendar at ang Convergence Project na katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

“Yun po yung talagang crossroads ng Philippine agriculture tungo doon sa gusto ng ating Pangulo- na umunlad ang Bagong Pilipinas,” ani ni Engr. Guillen.

DZRH Dos por Dos Interview with NIA Administrator - July 2, 2024

Wednesday, September 4, 2024 - 09:20

PANOORIN: Noong ika-2 ng Hulyo 2024, isinagawa ang isang panayam sa DZRH Dos por Dos na pinagunahan ni Anthony Taberna at Gerry Baja kasama ang Administrator ng Pambansang Pangisawaan ng Patubig (National Irrigation Administration) na is Engr. Eduardo Guillen upang talakayin and mga updates ukol sa NIA Contract Farming. 

"Maganda ang tubo ng pananim at masaya and ating mga magsasaka". Ito ang unang bungad ng NIA Administrator sa panayam. Ikinagagalak niyang ibinalita na inaasahang mag-aani ng bigas ang NIA mula sa tinatalagang 20,000 ektaryang lupain na sakop ng contraact farming ngayong ikatlo linggo ng Hulyo. Inaasahan rin na makokolekta and 50,000 tons na ani sa buwan ng Agosto.

Subscribe to Front page feed